Thursday, October 31, 2013

Friend Kong Kalog



Eto si Jan Merris Alfonso. Ang kaibigan kong kalog. :D HAHAHA Super kalog siya as in. Nagkakaunawaan kami sa madaming bagay. :3

Lahat ng genre ng kung ano anoing pwedeng pagkwentuhan natalakay na ata namin e. :D Kaberdehan, kapulahan, kadiliman, kaliwanagan at kung ano ano pa. Akalain mong may dalawang bagsak na subject tapos nakukuha pang tumawa? HAHAHHA O diba? Ganyan ang tunay na estudyante. Tinatawanan lang ang mga palya sa buhay.

San kaya pupulutin tong ugok na to after 5 years? :d Magkatrabaho kaya to? Joke. Pero matalino naman sya e, sadyang TAMAD lang. :D Ganun talaga. Magkaibigan e. Pati lovelife nakwento na sakin. Nakakatawa, iniyakan niya daw yung si.. Pero yung 5.0 F niyang grade tinatawanan niya. O dibaaaa? 

Baliw man to, masaya naman kausap at kasama. Bilyar pa po. :D

Tuesday, October 29, 2013

The New ME! ♥







Maraming dahilankung bakit nagpapagupit ang tao. For style, fashion, broken hearted, minsan trip lang.

Ako.. For style and fashion. Tsaka I like the new me. I'm not a lesbian or  bisexual person pero mas gusto yung ganitong buhok. Nung una nag aalangan pa ako kasi nagpapahaba nga ako ng buhok tapos gugupitan ko naman pala.

Pogi ko daw sabi nila. Bagay daw sakin yung gupit ko, mukha akong lalaki. Di ko alam kung compliment yung pagiging mukhang lalaki ko kasi di ko naman goal yung magmukhang lalaki e. :D

First time kong magpagupit ng ganito and thank god bumagay sa akin. Maybe after this magpapahaba na talaga ako ng buhok para maiba na naman ang style ko. :) Medyo boy next door ang peg ng mga pananamit ko ngayon e. :)

I still can wear dress. :) But I have to change the style of my hair. xD Binababa ko. Kasi pag nakataas mukha akong lalaki e. Medyo mahirap din pala. Nung una di ako nakilala ng mga kaibigan, kaklase, kakilala at kung sino sino pa. Naninibago sila sa itsura ko. Nung una di ko alam kung makakalakas ako ng taas noo sa street at sa daan e. Pero the day after ko magpagupit sabi ko sa sarili ko kailangan ng "SWAG" para madala mo yung sarili mo. :D


A Day With My CET Friends













They are my new friends in college. :) @PUP Sta. Mesa

I love hanging out with them. At kung mapapansin niyo puro lalaki sila. I prefer guy friends than girls. Mas msaya lang silang kama for me. Totoo sila sa sarili nila unlike some of the girls na plastic pag kaharap mo.

Gusto ko sa lalaki yung pag tinanong mo na "Bagay ba suot ko?" Sasagutin ka nila ng totoo. Kung sa tingin nila na inappropriate yung suot mo sa lakad niyo pagpapalitin ka nila ng damit for  good. :D

Computer Engineering Technology students kami. :) Sana makasama ko sila sa mga susunod

Monday, September 23, 2013

Cadbury Love ♥






Good evening. I really really love chocolates.
Medyo vain ako tonight.

And also may escort na ako sa ROTC, taray diba? :D Good night

Monday, September 9, 2013

Meet JIMFRITZ!








He's my new friend, JIMFRITZ VILLAMOR. YESS!! Ang pogi nya diba? Chinito. Pero gay po siya. Ang saklap lang. :3 Super saya niya kasama. Enjoy talaga, lakas ng trip. Maganda siya makitungo sa tao (ewan ko lang sa hayop JOKE) then super bait at friendly.

He is so AWESOME and one-of-a-kind guy. K-pop minsan ang peg ng suot niya, mukhang koreano paminsan minsan. May anggulong mukhang babae. EVERYTHING! :D Yung sa 2nd picture kasama niya si Ian. Ang isang poging bakla. Pareho sila na masaya kasama. AS IN SUPER ENJOY! Isang gabi lang kaming nagkasama sama pero parang matagal na kaming magkakaibigan. Close na agad. Ang iingay pa namin.

There's nothing else I can say. Basta masaya sila kasama. 

Sunday, September 8, 2013

10th Training Day (PUP ROTC-U)








Yung feeling na after ng 13hours na training ganito ang kinalabasan ng paa mo. -_- Ughhhhh.
Lusong sa putik, lusong sa baha. Umulan man o umaraw tuloy pa din ang training sa Oval namin sa PUP MNL. Nakakapagod pero enjoy naman. Para samin din naman yun e.

Mahirap magtraining sa ialalim ng init ng araw. Tagaktak ang pawis mo tapos biglang kukulimlim at uulan. Pagod ka, may hawak kang sword/ flag, rifle o kung ano man na hawak mo magdamag.
Ang saya diba? Sundalong sundalo ang peg namin.

Di namin alintana ang init ng araw, ulan/ambon, pawis, pagod at gutom at uhaw. Di ako nagsisisi kung bakit pinili ko maging COCC (Cadet Officer Candidate Course) kesa maging basic cadet.
Sa COCC kasi tuturuan kaming maging leader. Magko-command sa platoon/ batallion o kung ano man ang magiging pwesto mo. Basta matututo kang magcommand ng tama then madidisiplina mo ang sarili mo. Magiging well-organized ka ng tao. Tama ang posture. SNAPPY ka tignan.

Mukhang "THE CONJURING" ang peg ng paa ko. Kadiri. Inamoy ko, amoy patis. Pero di ganun katindi. Super sakit kasi kada hahakbang ako parang mapupunit na yung talampakan ko. :(((((( Tiis tiis lang.

Dalawang linggo nalang regocnition na namin at magiging ganap na akong CADET OFFICER. :) Siguro kung nabubuhay pa lolo ko na part ng US Army matutuwa sakin yun. Ako lang kasi yung apo niya na nagROTC. :)) Sana mapasa ko din yung PAARQE na test. :)

(#)

Monday, September 2, 2013

Sister Love












She's my sister. Ang pinakamamahal kong kapatid. :D Eto ang bonding namin dalawa. Ang magphotoshoot. Since pareho naman kaming mahilig sa picture nagtrip kami. May sporty na look, rocker, fab etc. Eto yung pinakamasayang ginagawa naming dalawa ng kapatid ko.

Nympha, that's her name. Alam kong mas pretty ang kapatid ko kesa sakin. :) Pero wala siyang sinabi sa kilay kong maganda, makapal lang yung sa kanya. At sa ilong? Sige na po, siya na may mas matangos na ilong. -_- Yan yung malaking pagkakaiba namin. Ganda ng ilong niya ako... Walang ma-say.

Kapag tinatanong kami ng ate ko kung sino mas maganda, sinasabi ko na mas maganda siya at cute ako. Atleast may positive. HAHA Cute lang ako, i admit. Pero when it comes to photoshoots mas magaling akong umanggulo ng katawan kesa sa kanya PERO mas magaling siyang umanggulo sa camera. E masscomm student e. At isa pa! Mas SEXY ako kesa sa kanya. :))) That's a fact. May abs kami pareho pero mas may korte ang katawan ko.

(#)

Friday, August 30, 2013

TG Friends (SPGMAN )






Sila yung mga kaibigan kong ubod ng kulit, harot, may saltik, may toyo, kalog, bolang at lahat ng pwede mo pang sabihin. Sila yung TRUE friends ko na mga babae sa section namin. YES!! MGA BABAE! Babae din yung isa dyan, nagkamali lang ng gender.

They are the most UNKABOGABLE when it comes to harutan at mga pasimuno sa kalokohan.
SPGMAN kasi S stands for Sarina; P- Paula; G- Gabby (ME); M- May; A- Anghela; N- Nimfa.

O diba ang gaganda? May Sarina kami na HAPON, may Paula na KABAYO, may Gabby na ANGEL, may May na BUWAN, may Anghela na ANGEL, at Nimfa na DYOSA! Taray diba. Dalawang anghel at may dyosa pang kasama.

Pero pansinin niyo, ako lang maganda sa kanila. HAHAH JOKE! Di man kami kasing gaganda at mga nagmumukhang chixx sa paningin niyo maganda naman kaming makisalamuha sa iba at masaya kasama. LAUGHTER IS THE BEST MEDICINE DIBA? Yan ang advantage na makukuha pag kami ang magkakasama. Pero may side effects po ang pagtawa pag kasama niyo kami. Kasi baka ma-utot na kayo kakatawa. PAK na PAK pa naman mga banatan ni PAULA samin. Kahit corny tatawa ka.

Miss ko na sila. Ang tagal na naming di nagsasama. Busy kasi sa school e. Minsan kapag may get together naman kulang ng isa or may absent. Minsan di macontact ang isa't isa. 

Kahit may boyfriend na yang mga yan they still find time to hang out with me. Medyo LONER kami ni PAULA. Kaya madalas kami nalang nagkakasama at kasi magkalapit lang halos ang school namin. UE siya PUP naman ako. Isang ride lang, the rest puro UDM na sila. Gusto nila dun e. E wala e. HRM, Food and Beverage, IT at Political Science ang course ng mga gagang yan.

Bet ko yung Political Science ni Nimfa, bagay kasi sa kanya yun e. Talinong bata tsaka gusto niya daw maging abogado e. Ako naman Computer Engineering at gusto ko din mag-ARMY. Siya kaya gawin kong abogado? CHOSS

(#)