Friday, August 30, 2013

TG Friends (SPGMAN )






Sila yung mga kaibigan kong ubod ng kulit, harot, may saltik, may toyo, kalog, bolang at lahat ng pwede mo pang sabihin. Sila yung TRUE friends ko na mga babae sa section namin. YES!! MGA BABAE! Babae din yung isa dyan, nagkamali lang ng gender.

They are the most UNKABOGABLE when it comes to harutan at mga pasimuno sa kalokohan.
SPGMAN kasi S stands for Sarina; P- Paula; G- Gabby (ME); M- May; A- Anghela; N- Nimfa.

O diba ang gaganda? May Sarina kami na HAPON, may Paula na KABAYO, may Gabby na ANGEL, may May na BUWAN, may Anghela na ANGEL, at Nimfa na DYOSA! Taray diba. Dalawang anghel at may dyosa pang kasama.

Pero pansinin niyo, ako lang maganda sa kanila. HAHAH JOKE! Di man kami kasing gaganda at mga nagmumukhang chixx sa paningin niyo maganda naman kaming makisalamuha sa iba at masaya kasama. LAUGHTER IS THE BEST MEDICINE DIBA? Yan ang advantage na makukuha pag kami ang magkakasama. Pero may side effects po ang pagtawa pag kasama niyo kami. Kasi baka ma-utot na kayo kakatawa. PAK na PAK pa naman mga banatan ni PAULA samin. Kahit corny tatawa ka.

Miss ko na sila. Ang tagal na naming di nagsasama. Busy kasi sa school e. Minsan kapag may get together naman kulang ng isa or may absent. Minsan di macontact ang isa't isa. 

Kahit may boyfriend na yang mga yan they still find time to hang out with me. Medyo LONER kami ni PAULA. Kaya madalas kami nalang nagkakasama at kasi magkalapit lang halos ang school namin. UE siya PUP naman ako. Isang ride lang, the rest puro UDM na sila. Gusto nila dun e. E wala e. HRM, Food and Beverage, IT at Political Science ang course ng mga gagang yan.

Bet ko yung Political Science ni Nimfa, bagay kasi sa kanya yun e. Talinong bata tsaka gusto niya daw maging abogado e. Ako naman Computer Engineering at gusto ko din mag-ARMY. Siya kaya gawin kong abogado? CHOSS

(#)

Monday, August 26, 2013

Engineering Drawing


Gabing gabi na tapos gagawa pa ako ng plates. Ang hirap kaya. Buti nalang tinutulungan ako ng ate ko kahit wala naman siyang idea kung pano ako tutulungan. Well ganun talaga.

Mabait ate ko e. HAHAH Kaya loves na loves ko sya e.
So now I have to do this na. Nagkakagulo na din mga kaklase ko kasi di nila alam na assignment pala itong napahirap na ito. Mukha lang siyang madali kung titignan pero kung gagawin mo na.. WELL di mo alam kung paano mo sisimulan.

Kailangan may focus lagi sa mga ginagawa sabi ng Prof namin. Minsan nga 3hours para sa isang plate di pa namin magawa e. Kulang na kulang. Super bitin samin yung oras na yun.
Less daldalan, more gawa kami sa classroom pero di maiwasan na punitin yung ginagawa namin kasi nakakainis na e. Paulit ulit na naming ginagawa pero dami pa din mali.

That's life. I-guide sana kami ni Lord sa mga ginagawa namin at sana matapos namin at makakuha ng high grades sa bawat plates. Ayoko na kasi makakuha ng SINKO e. FAILED yun fre!Pangit naman sa record mo yun na nag-aaral ka ng engineering tapos puro SINKO grade mo. Kailangan maglevel up ka para maimprove ang drawing mo.

"A GOOD ENGINEER ALWAYS USE GUIDELINES"

Monday, August 5, 2013

Swimming


I really love swimming.

Nagswimming ako with my family sa CariƱo. Night swimming then ang daming cute boys dun sa maapit sa cottage namin. Hihi. This night was awesome. :D








This is the function room of the where we stayed/