Yung feeling na after ng 13hours na training ganito ang kinalabasan ng paa mo. -_- Ughhhhh.
Lusong sa putik, lusong sa baha. Umulan man o umaraw tuloy pa din ang training sa Oval namin sa PUP MNL. Nakakapagod pero enjoy naman. Para samin din naman yun e.
Mahirap magtraining sa ialalim ng init ng araw. Tagaktak ang pawis mo tapos biglang kukulimlim at uulan. Pagod ka, may hawak kang sword/ flag, rifle o kung ano man na hawak mo magdamag.
Ang saya diba? Sundalong sundalo ang peg namin.
Di namin alintana ang init ng araw, ulan/ambon, pawis, pagod at gutom at uhaw. Di ako nagsisisi kung bakit pinili ko maging COCC (Cadet Officer Candidate Course) kesa maging basic cadet.
Sa COCC kasi tuturuan kaming maging leader. Magko-command sa platoon/ batallion o kung ano man ang magiging pwesto mo. Basta matututo kang magcommand ng tama then madidisiplina mo ang sarili mo. Magiging well-organized ka ng tao. Tama ang posture. SNAPPY ka tignan.
Mukhang "THE CONJURING" ang peg ng paa ko. Kadiri. Inamoy ko, amoy patis. Pero di ganun katindi. Super sakit kasi kada hahakbang ako parang mapupunit na yung talampakan ko. :(((((( Tiis tiis lang.
Dalawang linggo nalang regocnition na namin at magiging ganap na akong CADET OFFICER. :) Siguro kung nabubuhay pa lolo ko na part ng US Army matutuwa sakin yun. Ako lang kasi yung apo niya na nagROTC. :)) Sana mapasa ko din yung PAARQE na test. :)
(#)